The Sagitsit sa tag-init Edition

Nang mawala ang PWS Survey ay biglang sumolpot ang bagitong blog na Iskup, unang umariba pa lang ito sa ere ay talaga naman pinagkaguluhan at maraming bumilib sa kakaiba nitong ibinibigay na issue sa ibat-ibang blog. Sumikat ang Iskup dahil ibinibigay nya at ipinapakita ang ibat-ibang ratings ng mga blog, dahil dun nakuha nya ang panlasa ng mga bumibisita sa naturang blog at talaga naman binabalik balikan nino man dahil may kakaibang karisma ang idinudulot nito.
Sa kasagsagan ng kasikatan ng Iskup maraming nagpopost na magagandang comments, at hindi maiiwasan na may maninira meron din pinupuri ang kanyang blog. Sa ngayon ay biglang huminto ang mundo at oras ng Iskup kung gaano kadali ang pagsikat ng Iskup ay ganun din kabilis ang pagkalaos nito parang isang bula na nawala. Katulad din pala ito ng isang artista kung ating ihahambing. Ang pagiging isang sikat dapat mong lubos-lubusin dahil nakuha mo ang simpatya ng mga tao, wag mong pababayaan at sayangin ang iyong trabaho dapat mong alagaan at mahalin. Kung napabayaan mo ang isang trabaho na kung anuman ang dahilan, mawawalan ng tiwala ang mga tao sayo.
Ang pagiging LAOS a mahirap ng maibalik sa kasikatan katulad nila Hero & Jolina, ganyan ngayon ang nararanasan ng Iskup dahil di umanoy linalangaw na ang site ng naturang blog. Dahil ang pagiging isang sikat a dapat tuloy-tuloy ang pagtratrabaho at pagbibigay saya alang-alang sa mga sumosuporta.
Tapos na ang Semana Santa kaya wala na taong maaasahang “HIMALA”, kung patuloy ang pagkalaos at paglubog ng Iskup mawawalan na ng tiwala ang mga bumibisita sa naturang blog. Ayon sa BlogTrip baka itong blog ang magsasara at matsutsugi at hindi ang KCentral. Hindi pa huli ang panahon ika nga nila baka magkaroon ng “HIMALA” sey naman ng mga taga BlogTrip “WALANG HIMALA”
Mga Blogsite nagpatalbugan!
Halos lahat ng mga Site ay nagpapatalbugan ng layout/background, kanya-kanyang istilo atdiskarteang ginagawa nila para mapansin ang mga blog. Ang ibang blog halos monthly kung magpalit ng layout ang iba naman every 3months at napansin namin ng mga taga Blogtrip ang iba ay hindi nagpapalit ng layout, gayun pa man nakakatulong din ang pagpapalit ng layout/background ng isang site, dagdag attraction din ito ito sa mga bumibisita. Halos magpatalbugan ang nagaganap sa mga design at graphics at kung anong ka ek ekan sa mga site.
Nagronda patrol naman ang Teamng Blogtrip upang kilatisin kung ano-anong blog ang may pinaka magandang layout, nangunguna sa aming listahan at panlasa ang Kapuso Magic na talaga naman napaka ganda at kaakit-akit nasa pangalawang pwesto ang Star Patrol na kulay pink na sumisimbolo ng kababaihan nasa pangatlo ang Asianovelas na kulay gatas at hindi masakit sa mata at sumonod naman ang ChikaMinute na kulay oink din mala dyosa sa paningin at nasa ika limang pwesto ang hindi gaano kasikat na blog pero kakaibang pustura ng design walang iba kundi ang Kapuso.tk. Yan ang Top5 blogsite na may pinaka magandang design, bukod dun nagpapasiklaban ang KapusoMagic,StarPatrol at ChikaMinute na nakita namin na nagpapa bonggahan ng layout ang tatlong site, halos magkakapareho ang mga design at graphicsnila.
Kaya naman inimbestigahan namin at sinuri ng mabuti kung may katotohanan na iisa ang may ari ng mga site na yan. Base sa opinyon at sa nakita namin magkatulad ang KapusoMagic at ChikaMinute dahil sa inobserbahan namin ng mabuti na iisa nga ang may-ari ng site. Pero saludo ang Blogtrip sa inyo dahil napaka cute tingnan ng mga design at graphics ninyo.
Sa ngayon ay nagkakaroon ng technical error ang site ng KapsuoMagic dahil merong salbahita o mas kilalang tawag na insecure dahil sa di maipaliwanag na dahilan.Wish namin dito sa Blogtrip sana maibalik na ang KapusoMagic dahil sayang ang pagiging no.1 nito pagdating sa layout at mga design at graphics.
Room27 at Kakulay nagsanib pwersa!

The Filipino Entertainment Community Forum at Kakulay entertainment Center nagsanib pwersa. Nagkasundo na nag mga higanteng Site para palawakin at mas makilala at para makakapagbigay ng mas magandang serbisyo sa mga bumibisita at sumosuporta.
Ang Room27 ay kakaiba dahil kaakit-akit ang background nito at interesting topic at para naman sa mga Kapamilya at Kapuso meron na kayong bagong tambayan at naghahanap ng magiging moderator ang Room27 kaya magregister na kayo baka ikaw ang mapili maging moderator. Hinding-hindi din magpapatalo at magpapahuli ang Kakulay mo! dahil ang mga kasali sa Wanna Be Star ay may sarili ng Thread sa Room27 ibang klase talaga ang handog sa inyo ng mga bigating site.
Maraming mga Forum ang nagsusolputan pero ang Room27 ay matagal ng naghahatid ng serbisyo at mas lalong pinaganda, sey ng mga taga Blogtrip ang ibang Forumay Sobrang baduy at puro mga ka ek ekan ang ginagawa nilahalata tuloy na wala silang budget para sa mas magandang forum. Laking pasalamat ng Kakulay Entertainment Center dahil bahagi na sila ng Room27 at ito na ang official forum ng Kakulay. Ayon sa source nag-usap si Rookie at Wanted para magtulungan at magkaisa ang dalawang site.
Kimerald no.1 Fansite

Kimerald no.1 Fansite. Hindi na talaga matinag-tinag ang pagiging no.1 Fansite ng Kimerald Lovetam ang no.1 Loveteam sa pinas, na pinamumunuon nila Kim Chui at Gerald Anderson.
Simulat sumali sila sa PBB Teen Edition ay marami na talagang humanga sa kanila at sa ngayon meron na silang Fansite para pag-usapan sina Kim&Gerald ina update ng fansite kung anu-ano ang mga programa,mall shows,movie at mga gigs ng dalawa at kung saan sila pwede mahanap.
Mas pinaganda pa ngayon ang site ng Kimerald at napadaan kami sa Pinoy Exchange Community o mas kilala sa tawag na PEX dahil usap-usapan dun na bumibisita pala sina Kim Chui & Gerald Anderson sa Kimerald Fansite pero iba ang username na ginagamit nila at para masuportahan ang kanilang Loveteam.
How true na binigyan nila Kim&Gerald ng isang bagong Computer at budget ang moderator ng nasabing fansite para di umanoy mapaganda pa ang site at mas lalong ma update sa latest news, kung totoo man ito ma datung pala ang nag-mamanage ng fansite nato,wala ba balato!
Shelumiel Rivas isang Bakla!

Shelumiel Rivas isang bakla! Totoo nga bang Bakla si Shelu ito ngayon ang kumakalat na balita at ang mga bulong-bulungan sa showbizlandia na isa syang bayot,badingraci,baklush,baklita,shuding at kung anu-ano pang mga katawagan.
Ayon sa mapagkakatiwalaang source itong si Shelu ay ladlad ever na sa kanilang campus at umaariba talaga ang beauty ni lola mo. Puro mga girl lalush ang mga kasama nito at nag-iisa syang Reyna sa grupo nila at ang tsika pa ang lakas pala tumawa na parang hagalpak kung ikukumpara at sumigawni Shelu infairness cutie pie ang boses nya ika nga ng nagtsika sa amin.
Masasabing bakla itong bagets dahil sa mga ikinikilos nitong parang paru-paru un ang mabisang ginamit na salita ng source namin.
Inusisa ng Blogtrip kung totoo ang tsika sa amin at nakisilip kami sa friendster account nya na kung saan may mga picture syaat ipapakita nalang namin at kayo na ang bahalang humusga!



Mga Star unting-unti ng mababawasan!

Unting-unti ng mababawasan ang mga kasali sa !st Online Reality Search ng bansaang Wanna be Star na talaga naman pinagkaguluhan.
Almost 2months binigyan sila nang exposure para makilala sila ng tuluyan at mabigyan ng panahon para bumoto at ngayon simula sa April 15, malalaman na kung sino ang kauna-unahang matatanggal sa star. Ang basihan sa pagpili ay kung sino ang may pinaka mababang boto ay syang matatanggal, kaya may panahon pa kayo para iligatas ang paborito nyong Star kaya bumoto na.
Sino kaya ang bubuo sa Magic Star Dreamer of 14 matagal pa malalaman kung sinu-sino sila dahil marami pa ang mga kasali kaya ngayon pakunti ng pakunti na sila..
KCentral Magsasara na!

KCentral magsasara na! Ito ang pinasabog at bumulaga na balita sa Pinoy Scoopery na magsasara na ang KCentral dahil di umanoy hindi na na uupdate at mababa ang nakukuha nitong ratings at walang kalaman-laman ang mga ipinopost sa naturang blog.
Susme, sana hindi ito totoodahil member ang Kakulay ng KCentral. May nabasa na post ang mga buzzero ng Blogtrip na ikinatuwa pa nila na matsutsugi na ang KCentrak dahil panget at walang kabuluhan ang laman at pinag-uusapan ngnaturang blog.
Nabalitaan din namin na magrereformat ang KCentral at marami itong mga pakulo at mas interesting na topic ang ibibigay nila. At hindi daw totoo na magsasara na sila sa katunayan nga mas lalong tumataas ang ratings nila kaya patuloy parin ang pagpapasaya nila sa mga tao.