Kakulay Entertainment Blog

The no.1 Entertainment Blog in the Philippines (Year 3)

Filed Under (Uncategorized) by Kakulay Entertainment Center on 18-08-2007

Tagged Under :

 

 

SPORTS UPDATE

Filed Under (Uncategorized) by Kakulay Entertainment Center on 03-07-2007

Tagged Under :

 

San Beda vs Mapua


STANDINGS

San Beda 2 0

Letran 2 0

Jose Rizal 1 1

St. Benilde 1 1

San Sebastian 1 1

Mapua 0 2

Perpetual 0 2

 

Lalong ibabaon ng San Beda ang pagtotono nito sa isa pang championship title sa pagsilip ng ikatlong sunod na panalo sa NCAA ngayon.

May dinadala nang 2-0 kartada, haharapin ng Red Lions ang Mapua Cardinals sa alas kuwatro ng hapon matapos ang umbagan sa unang laro ng St. Benilde at Perpetual sa alas dos.

Kasama ng San Beda sa tuktok ng leaderboard ang bakanteng Letran Knights habang ang Cardinals ay wala pang naitatak na panalo kaya’t dito nalalagay muli na may malaking bentahe ang Mendiola-based cagers ni coach Frankie Lim.

Subalit may nasisilip namang tsansa ang Cardinals dahil hindi makakalaro si Sam Ekwe. Ang Nigerian native ay sinampahan ng suspensyon ng liga kasunod ang pagpapakawala ng isang tadyak sa Perpetual import na si Sang Myeon Lee.

PCAP finals sa Sabado


Ikinasa na sa Sabado, Hulyo 7, ang ika-13 at huling leg ng “Pinoy Cockers Association of the Philippines (PCAP) 5-cock derby” series na eksklusibong ginaganap sa Makati Coliseum.

Base sa pinakahuling standings, ang tropa nina hotelier Biboy Enriquez, Joel Fernando at Paul Dominguez (Firebird Jimafer BJ) ang nangunguna sa 2007 PCAP Cocker of the Year race kasunod si Sandy Sur (Michael One).

Pagkakalooban ng cash prize at tropeo ang grand winner at runner-up mula sa WTJ Sports and Amusement Corp. at isponsor na B-Meg Derby Ace.

Pagkatapos ng derbing ito, isusunod ang “Salpukan Sa Taglugon 6-cock derby” sa Hulyo 23, 25, 28, 30 at Aug. 1 kung saan P2 milyon ang nakatayang premyo at P11,000 ang entry fee.

Saklap naman!

RP natakasan ng Lebanon via buzzer-beating triple


CHINESE-TAIPEI-Binasag ni Rony Fahed ang puso ng mga Pinoy sa pagswak ng isang buzzer-beating triple nang makasilat ang Lebanon via 65-62 come-from-behind win sa SMC-Team Pilipinas kagabi sa Jones Cup.

Nawasak ang diskarte ng Filipino sa nalalabing 2:30 kung saan hindi ito nakaiskor makaraang huling ipatikim ni Dondon Hontiveros ang 62-56 advantage para sa Nationals.

Dalawang freethrows ni Fadi El Khatib at 3-point shot ni Omar El Turk ang naglapit sa Lebanese sa 62-61, saktong 1 minute na lamang. Makaraang butatain ni Khatib ang undergoal stab ni Asi Taulava, naglaho sa kanya ang bola sa sideline at nagkaloob sa SMC-RP na palawigin pa ang manipis na abante.

Subalit ang isa sa mga bayani ng koponan sa pagsorpresa kamakalawa sa defending champion Athletes in Action-USA na si Mark Caguioa ay natawagan ng dribbling violation na nagbalik-bola sa kalaban.

Sa sumunod na play, pinapunta ni Gabe Norwood si Basem Balas sa stripe na nag-split ng kanyang freethrows para sa 62-all count, may 17 segundo na lang.

Sa halip na huling tumirada sa pagkalagas ng oras, nagsagawa si Hontiveros ng quartercourt jumper na may lima pang tikada at sumablay para magbigay-daan sa kadakilaan sa laro kay Fahed. “It was a very interesting win. The Philippines is a very good team because it won against the Americans,” bulalas ng Serbian na si Georges Ketzi, head coach ng Lebanon squad na inakbayan sa tuktok ng standings ang Korea matapos ang 71-65 victory nito sa Jordan.

Makakalaban ngayon ng RP ang Japan.

Q Sports

Filed Under (Uncategorized) by Kakulay Entertainment Center on 04-09-2006

Tagged Under :

SPORTS UPDATE


Nagsama-sama ang tropa ng Spain sa gitna ng court upang ipagdiwang ang pagkakatanghal sa kanila sa tuktok ng World Championship kasunod ang 70-47 title-clinching win kontra Greece. (AP)

MAGNIFICO!

World cage finals: Spain 70, Greece 47


SAITAMA, Japan — Tinambakan ng Spanish team na walang Pau Gasol sa lineup ang Greece, 70-47, sa finals ng World Basketball Championships upang hagipin ang korona sa unang pagkakataon.

Hindi nakalaro dulot ng injury ang Spanish leading scorer na si Gasol pero hindi ito ininda ng Spain na kinumpleto ang undefeated 9-0 run sa elimination round at playoffs ng 24-team event para sa kanilang pinakabonggang finish sapul 1984 kung saan nagwagi sila ng Olympic silver medal.

Pinangalanan ang star center ng Memphis Grizzlies sa NBA na si Gasol na Most Valuable Player kahit lumiban sa huling laro dahil sa kanyang 21.3 points at 9.4 rebounds averages.

Napinsala ang kaliwang paa ni Gasol sa huling minuto ng semifinal win ng Spain kontra Argentina noong Biyernes. Sa pagsusuri ng doctor noong Sabado, na-diagnose ang ‘crack in the fifth metatarsal bone’ kaya tuluyang nawalan ng tsansa na makalaro siya sa gold medal game.

Inialay ng kanyang mga kakampi ang kayod nila kay Gasol na todo-trabaho sa depensa kontra Greeks, ang koponan na sumipa sa US team na kinabibilangan ng NBA stars sa semifinals.

Pumasok si reserve Felipe Reyes sa nabakanteng puwesto ni Gasol sa starting lineup at kinana lahat ng kanyang sampung puntos sa unang half kung saan ikinasa ng Spain ang 43-23 lead sa halftime at hindi na nakalapit pa sa 16 agwat ang Greece sa huling half.

Bumira si Jorge Garbajosa at Juan Carlos Navarro ng tig-20 markers para pangunahan ang Spain habang trumangko si Mihalis Kakiouzis sa Greece sa 17 points na nagkasya sa kauna-unahang segundang finish, maging ito man ay sa worlds o sa Olympics.

Kasama ni Gasol sa all-tournament team sina Garbajosa, Carmelo Anthony ng USA, Emanuel Ginobili ng Argentina at Theodoros Papaloukas ng Greece.

Kahit na nakatatak sa mga kamiseta ng Spanish team ang mga katagang “Pau is playing too”, nanatili sa upuan si Gasol suot ang gray pants at kanyang warm-up jersey habang paika-ikang naglalakad tuwing timeout.

Nagkamayan na ang mga Spanish players dalawang minuto pa ang nalalabi sa bakbakan, isang preview na naganap na selebrasyon pagtunog ng buzzer. Inakay si Gasol papunta sa centercourt kung saan tumalon siya sa abot ng kanyang makakaya kasama ng nagsasayawang mga kakampi.

Naghikahos pa ring umakyat sa stands si Gasol para samahan ang kanyang teammates sa pagtanggap ng gold medal mula kay Japanese Prince Hitachi, at saka bumalik sa court sa pamamagitan ng saklay para abutin naman ang MVP award.

Hinagupit ng Spain ang Greece sa 20-3 run sa loob ng 7:32 papatapos sa first quarter at simula ng ikalawang yugto para sakmalin ang 28-12 lead. Gumatilyo ng siyam na puntos si Navarro sa spurt habang nagsabog naman ng magkasunod na three-points roon si Garbajosa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Q Sports

Filed Under (Uncategorized) by Kakulay Entertainment Center on 01-09-2006

Tagged Under :

SPORTS UPDATE


 

Binakuran nina Kelvin Gregorio at Elmer Espiritu ng UE Warriors ang 200 plus pounds na si Ken Bono ng Adamson nang masukol ng huli ang bola sa shaded lane sa kanilang laro kahapon. (John Paulino)

MABUTI AT MAY BONO!

(Ace Pasco)


Gamit ang bugso ng damdamin para sa napinsalang kakampi bilang motibasyon, hinakbangan ng Adamson U Falcons ang 17-game losing streak kontra UE Warriors at ibinagsak ang king-size 89-84 win sa overtime kahapon para lumapit na isang game ang layo tungo sa inaasam na Final Four stint sa UAAP men’s basketball.

Isinalarawan ng 200-plus pounds, 6-foot-6 main man na si Ken Bono ang determinasyon ng Falcons sa pagsabog ng pito sa kanyang game-high 29 markers sa 5-minute extension period na nagpigil sa second round unbeaten run ng Warriors na nanatili sa second spot sa 7-3 win-loss mark subalit lumabnaw na ang mithiin na matapos bilang no. 1 seed papasok sa semifinals.

Bumagsak sa sarili niyang siko sa isang fastbreak play si Adamson guard Leo Canuday, 1:58 sa regulasyon kung saan nakaiskor si BonBon Custodio ng UE para sa 74-70 lead.

Agad dinala sa stretcher si Canuday na, ayon sa medical team na nasa venue ay may ‘dislocated elbow’.

Diniretso siyang dali-dali mula Ninoy Aquino Stadium papunta sa Manila Medical Center sa may UN avenue.

“Tumapang ‘yung players nu’ng nakita nila na nangyari kay Leo (Canuday). Dinedicate nila ‘yung last few minutes sa kanya,” ani Adamson coach Leo Austria kasunod ng panalo na nagtulak sa kanila sa solo ikatlo posisyon sa 5-5 kartada, sa ibabaw ng mga karibal sa Final Four na UST at FEU na may 5-6 mark.

Natalo ang UST Tigers sa unang laro kontra maninilat at tanggal na sa kontensyong UP Maroons, 70-67.

Humugot din ng 15 rebounds ang no. 1 MVP contender na si Bono habang ang kanyang basket, 29 segundo ang nalalabi sa fourth quarter, ang nagtabla ng iskor sa 74-all.

Bago iyon, nag-foul out si Custodio isang minuto sa bakbakan nang i-foul ang nagtangka ng tres na si Falcons shooter Patrick Cabahug na nag-convert ng dalawang charities para sa 72-74 count.

Bumira si Bono ng 8-of-18 sa field kontra double at triple team ng Warriors, at ginawang palabigasan ang freethrow line sa 13-of-14 shooting.

 


 

SPORTS UPDATE


2 key player ng Mapua, suspendido

(Ace Pasco)


Maaaring hindi makalaro sa huling playing date ng NCAA ang dalawang kamador ng Mapua sa Setyembre 6 sa Araneta Coliseum.

Nahaharap sa suspension sina 2005 Rookie of the Year Kelvin dela Pena at veteran swingman Jeofferson Gonzales ng Cardinals kasunod ang mga unsportsmanlike fouls na natanggap sa huli nilang salang kamakalawa kontra San Beda Red Lions.

Ang suspension ay rekomendasyon ni league commissioner Jun Bernardino at pagdidiskusyunan pa para sa pinal na desisyon ng NCAA Management Committee.

“Mapua can make an appeal then we’ll discuss whether or not to uphold the commissioner’s recommendations,” ani NCAA MANCOM vice-chairman Paul Supan ng Jose Rizal kahapon.

Haharapin ng Mapua ni coach Horacio Lim sa nasabing ilalarong laban ang PCU. Nakataya para sa Dolphins ang twice-to-beat incentive sa nasabing laro kaagaw ang Letran Knights na makakabangga sa parehong araw ang Lions. Bagama’t walang bearing kay Lim na ang koponang Cardinals ay napako na sa no. 4 seed (7-6), importante pa ring tapusin ang kampanya sa winning note kung saan makakaharap nila ang top seed San Beda (12-1) na may hawak na twice-to-beat edge.

Samantala, ngayon sasambulat ang walang bearing pero mahalaga sa morale na mga laro ng tanggal ng Jose Rizal U Heavy Bombers, Perpetual Help Altas, San Sebastian Stags at host school College of St. Benilde.

Maghaharap ang JRU at Benilde sa alas-dos na susundan ng salpukang Altas at Stags sa 4 p.m. 


 

 

 

 

 

 

 

 

 

Q Sports

Filed Under (Uncategorized) by Kakulay Entertainment Center on 19-08-2006

Tagged Under :

STANDINGS

San Beda 9-1
Letran 9-1
PCU 8-3
Mapua 6-5
San Sebastian 4-8
Perpetual 4-8
Jose Rizal 3-9
St. Benilde 1-11

Huminga pa ng buhay sa season ang San Sebastian Stags at Perpetual kahapon matapos iposte ang magkasalungat na pamamaraan ng tagumpay sa NCAA sa Rizal Coliseum.

Pinataob ng Stags ang wala na sa kontensyong St. Benilde Blazers, 68-63, habang itinakas naman ng Altas ang pahirapang 67-66 decision kontra Jose Rizal U Bombers.

Kapwa umangat sa 4-8 win-loss record ang San Sebastian at Perpetual Help at kailangang manalo sa dalawang nalalabing sultada para makaamot sa huling Final Four ticket.

Pero dapat din hindi na manalo ang fourth running Mapua sa tatlong nalalabing asignatura para makapuwersa ng playoff para sa huling semis berth alinman sa Stags o Altas.

May 6-5 slate ang Cardinals at isang tagumpay na lang ang kailangan upang isapormal ang entrada sa Final Four kung saan pasok na ang San Beda at Letran sa 9-1 kartada at PCU na may 8-3 marka.

Makakalaban ng Mapua sa tatlong huling laro ang Letran, San Beda at PCU, ayon sa pagkakasunod.

Tatlong bigatin iyon kaya naman optimistiko pa rin si Stags rookie mentor Raymund Valenzona.

“Malaki pa ang chance namin para makapasok sa semifinals, kailangan maipanalo namin ang natitirang mga laro namin,” ani Valenzona, ang anak ng longtime San Sebastian mentor na si Turo.

Nagputok si Jim Viray ng 12 points, kasama ng 11 ni Franz Delgado at 10 ni Gilbert Bulawan upang igiya ang San Sebastian sa kumbinsidong pamamayagpag kontra cellar-dweller Blazers.

Sa kabaligtaran, isinaksak naman ni second stringer pointguard Ronald Reyes ang matapang na drive, 11 segundo sa orasan upang ibalik sa Perpetual ang pinal na bentahe sa wild finish ng bakbakang Altas-Bombers.

May pagkakataon pang magwagi ang JRU subalit natawagan ng offensive foul si John Wilson, limang tikada ang nalalabi at namintis din ni Michael Bucao ang huling tira sa buzzer kasunod ng pagsablay ni Altas shooter Fritz Bauzon na sana’y nagseguro ng panalo.

Namuno si Bauzon para sa Perpetual sa ginawang 19 markers.


Kinarga ni Season 69 MVP frontrunner Ken Bono ang kanyang Adamson Falcons tungo sa 76-68 win kontra University of the Philippines Fighting Maroons kahapon tungo sa muling pakikigulo sa Final Four fight sa UAAP men’s basketball.

Itinatak ni Bono ang career-high 33 points, kung saan ibinuhos niya ang 19 doon sa ikalawang half upang sibakin ang Maroons sa season at iangat ang Falcons sa ikaapat na panalo sa siyam na laro, katabla ng University of Santo Tomas Tigers sa third place sa standings.

Ang 6-foot-6 na si Bono ang naging pahirap para sa do-or-die game ng UP na pormal nang naubusan ng tsansa na makarating na semifinals sa paglagapak sa ikawalong kabiguan sa 10 games.

Binutas ni Bono ang 10 puntos sa huling yugto, bawat basket sibat tuwing magtatangkang mag-rally ang Maroons ni coach Joe Lipa. Nagsalpak si Bono ng apat na puntos sa 12-5 run sa pagsisimula ng fourth quarter, at matikas na sinagot ang rally ng UP sa pamamagitan ng kanyang jumper, 2:55 sa orasan upang bigyan ng limang puntos na espasyo ang Adamson kasunod ng pagdikit ng Maroons, 63-66 sa pamumuno ni Marvin Cruz.

Pinakamalaki ang turnaround sa baseline ni Bono sa harap ng depensa nina UP big men Jergili Serios at Nestor David na nagpadyak sa Falcons ng 72-65 advantage, 47.4 segundo na lang sa bakbakan.

“Since nakita niya ‘yung stats matapos ang first round na nangunguna pala siya sa MVP race, inspired na talaga siya maglaro,” ani Adamson coach Leo Austria.

Samantala, itataya ngayon ng Ateneo Blue Eagles ang kanilang imakuladang kartada kontra UST Tigers, ang koponang tinambakan nila ng 36 puntos sa kanilang first round encounter. Wala pang talo ang Eagles sa walong laro habang galing ang Santo Tomas sa 77-75 panalo kontra FEU.

Tampok ang giyerang UST-Ateneo sa ganap na alas-kuwatro ng hapon kung saan nangako si Tigers coach Pido Jarencio ng paghihiganti.

“Noong first round binugbog kami, siguro ngayon kami naman ang mangbubugbog,” ani Jarencio bagama’t aminadong kulang sa tauhan sa pagkawala na sa season nila leading scorer Jojo Duncil at backup playmaker Jun Cortez.